6 Weeks

Buntis asawa ko. 6 weeks. Hindi Ito ang mga huling natitirang linggo ng “Ang Probinsiyano”. Hindi rin Ito ang natitirang masasayang araw ng mga fans ng unli rice. At lalong hindi ito ang natitirang linggo bago mag-finals sa The Voice.
Nitong linggo lang namin nalaman ni Esmi. Ilang araw na rin kasi siyang nahihilo at laging inaantok. Akala ko nga nagdadahilan lang para hindi magtrabaho sa bahay, natakot pa nga ako baka ayaw na rin niya pumasok sa trabaho at naghahanap ng dahilan. Walangya, lagot bayag ko nun kapag nagkataon.

So, bumili kami ng PT kit nung Martes, una dumaan kami sa Mercury Drug para doon bumili, eh anak ng katuray tag-P120 daw ang isa??! Eh kung ganun kamahal tanginiks di sana tinutukan ko na lang yun ng flashlight para malaman namin kung may laman na. Pero marunong ang mga guardian angels ko, dinala ako sa Generika sa kabilang kalsada. Tag-trenta, bumili kami ng dalawa. P60 kontra P240, di ba? Tangina, di ba? Pero cursing aside, ayun nagtest kami. Ang dream announcement ko sana eh yung tumatawid kami ni misis sa intersection sa may SM Clark tapos bigla siya sisigaw na tatay na ako, tapos hihinto lahat ng sasakyan at papalakpakan ako ng mga nakasakay, pero naisip ko baka bigla ako magtatatakbo sa tuwa at masagasaan pa ako, kawawa si baby at misis. At lahat ng may lihim na pagtingin sa akin.

Anyways hemingway, nag-test siya ng madaling araw bago kami pumasok sa trabaho at di ko na pahahabain ang kilig ng mga singit ninyo kung may maligaw man na magbasa nito, nag-positive siya. Oo dalawang guhit. Dropout ako ng Engineering pero yun na siguro ang pinakamasayang mga guhit na nakita ko. Bigla ko nga naalala at napasalamatan sa isip ko yung tumuli sa akin nung elementary. Nakagawa ako ng bata mga pre, bata. Akala ko dati drawing ng kepyas lang kaya ko gawin.

Well, ayaw naman namin mag-rejoice ng maaga dahil baka nanunutil lang si Papa Jesus kaya nag-test pa kami pagkauwi galing ng trabaho ng araw na yun. At ano pa’t bumili kami ng dalawa di ba? To cut the long story short at para maiksi, isang malutong na yes-pucha-positive!

So, kanina lang galing kami sa hospital nakipag-eyeball kami kay doktora. At nagpa-ultrasound si Esmi. Busy ako nagpra-practice maghintay nang lutang sa waiting area na kunwari nanganganak na asawa ko nang tinawag ng nurse ang pangalan ko, tangina may kapangalan ako dito?? “Sir Yin po, asawa ni Ma’am Camille?” Tanginiks, ano kasalanan ko? Pumasok ako sa ultrasound room, sabi sa bandang dulo daw. Pagpasok ko ang sabi sa akin pinatawag daw ako ni misis para makita ko din yung ultrasound, ayun, para kaming nag-Facebook live ni baby. Pinarinig pa sa akin ang heartbeat niya. Kengina, tatay na ‘ko. At nagblo-blog na ulet. Sa Tumblr nga lang. Thank you, Lord.

Sabi ko nga dati sa isang site ko, “Sa buhay kailangan para kang tite, matigas kapag hinihingi ng pagkakataon.”

Advertisements

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑